LAKERS NASUNOG SA SUNS

suns vs lakers

PILAY ang Los Angeles Lakers sa pagkawala ni injured superstar LeBron James kung saan nalasap nito ang 111-94 pagkatalo sa Phoenix Suns.

Umiskor sina Devin Booker at  Deandre Ayton ng tig- 26 points at kumamada si Chris Paul ng triple-double na 11 points, 10 rebounds at 13 assists para sa Suns, na tinambakan ang Lakers team, na ayon kay coach Frank Vogel ay kailangang makakita ng ‘bagong identity’ habang nagpapagaling si James mula sa high ankle sprain na natamo sa pagkatalo sa Atlanta noong Linggo.

Sa pagkawala ng 17-time All-Star James, ang Lakers ay nahirapan sa kanilang opensa.

Nanguna si Montrezl Harrell para sa Los Angeles na may 23 points mula sa bench at nagdagdag si Dennis Schroder ng 22, subalit kumonekta lamang ang Lakers ng  41.2 percent sa field.

MAVERICKS 132,

BLAZERS 92

Napantayan ni Luka Doncic ang kanyang career best na walong 3-pointers at umiskor ng 37 points sa loob lamang ng tatlong quarters nang durugin ng Dallas Mavericks ang host Portland Trail Blazers, 132-92.

Isang beses lamang nagmintis si Doncic mula sa long range at kumalawit ng 7 rebounds at lumamang ang Mavericks ng hanggang 45 points habang nagwagi sa ika-13 pagkakataon sa nakalipas na 18 laro.

Ang winning margin ay second-largest ng koponan sa season sa likod ng 124-73 panalo sa Los Angeles Clip-pers noong Dec. 27.

Tumipa si Josh Richardson ng 21 points at nagdagdag si Dorian-Finney Smith ng 13 para sa Dallas, na nai-pasok ang 19 sa 37 mula sa 3-point range at bumuslo ng 55.8 percent overall.

Tumapos si Kristaps Porzingis na may 12 points, habang nag-ambag sina Tim Hardaway Jr. at Dwight Powell ng tig-11.

76ERS 101,

KNICKS 100

Isinalpak ni Tobias Harris ang dalawang free throws, may  5.3 segundo ang nalalabi sa  overtime,  upang tampukan ang mainit na fourth quarter at extra session at pangunahan ang bisitang Philadelphia 76ers sa 101-100 panalo kontra New York Knicks.

Umabante ang 76ers ng hanggang 14 sa first half at nasayang ang late six-point lead sa regulation bago mag-isang binura ni Harris ang four-point deficit sa final minute.

Naipasok ni Harris ang isang 3-pointer, may 56.2 segundo ang nalalabi, at nagmintis ang dalawang koponan sa sumunod na apat na tira bago gumawa si  Julius Randle ng loose ball foul kasunod ng errant layup ni Shake Mil-ton.

CAVALIERS 116,

RAPTORS 105

Nagbuhos si Collin Sexton ng 36 points, nagdagdag si Jarrett Allen ng 17 points at 15 rebounds, at ginapi ng  Cleveland Cavaliers ang bisitang Toronto Raptors, 116-105.

Ito ang ika-8 sunod na pagkabigo ng was Raptors. Hindi pa sila natatalo ng walong sunod magmula noong Jan. 10-22, 2012.

Tumabo si Dean Wade ng 16 points para sa Cavaliers, at nagdagdag sina Darius Garland ng 15 points at Larry Nance Jr. ng 10 points.

Sa iba pang laro ay dinispatsa ng Brooklyn Nets ang Washington Wizards, 113-106, at ginapi ng Chicago Bulls ang Detroit Pistons,100-86.

2 thoughts on “LAKERS NASUNOG SA SUNS”

  1. 540011 483286I recognize there exists an excellent deal of spam on this blog internet site. Do you require support cleaning them up? I can help among courses! 790808

Comments are closed.