LAKERS PINASO NG SUNS

ANG isang makasaysayang gabi para kay Chris Paul ay sinira ng dalawang insidente, ang isa ay ang alitan sa pagitan nina Lakers teammates Anthony Davis at Dwight Howard, sa panalo ng bisitang Phoenix Suns laban sa Los Angeles, 115-105, noong Biyernes ng gabi.

Sa laro ng dalawang koponan na natalo sa home sa kanilang season openers, pinangunahan ni Paul ang pagresbak ng Phoenix na may 23 points at game-high 14 assists.

Ang kanyang pinakamahalagang tally ay ang isang free throw sa second quarter na hindi lamang nagbigay ng 20,000th point sa kanyang career kundi nagbigay-daan din para maging una siya sa NBA history na nakamlt ang naturang milestone at 10,000 assists.

Si Paul ay naging ika-47 player na nagtala ng 20,000 points. Panlima siya all time sa assists.

NETS 114, 76ERS 109

Nagbuhos si Kevin Durant ng 29 points, 15 rebounds at 12 assists upang tulungan ang Brooklyn Nets na gapiin ang host Philadelphia 76ers, 114-109.

Ito ang ika-13 career triple-double ni Durant sa regular season.

Umiskor si LaMarcus Aldridge ng  23 points, nagdagdag si James Harden ng 20, tumipa si Joe Harris ng 14 at nag-ambag si Patty Mills ng 11 para sa Nets.

Hindi naglaro para sa Nets si Kyrie Irving, na nanatiling naka-sideline dahil sa pagtangging magpabakuna kontra COVID-19.

Gumawa sina Tobias Harris at Seth Curry ng tig-23 points at nagdagdag si Joel Embiid ng 19 para sa Sixers sa kanilang home opener.

WIZARDS 135, PACERS 134

Naitala ni Spencer Dinwiddie ang walo sa kanyang  team-high 34 points sa huling 2:17 ng regulation upang ipuwersa ang overtime, at bumanat ang host Washington Wizards ng 11-2 run sa extra frame upang maungusan ang Indiana Pacers, 135-134.

Isinuko ng Washington ang unang anim na puntos sa overtime, subalit hinabol ang deficit upang bigyan ang Wizards ng kalamangan at hindi na lumingon pa. Isinalpak ni Davis Bertans ang isang 3-pointer mula sa isa sa siyam na assists ni Dinwiddie, may 35.2 segundo ang nalalabi, upang basagin ang 131-131 pagtatabla.

Si Bertans ay isa sa tatlong Wizards na umiskor ng double-figures mula sa bench na may 17 points. Umiskor si Raul Neto ng 18 points, at nagdagdag si Montrezl Harrell ng 14 points at 7 rebounds.

BULLS 128, PELICANS 112

Nagbuhos si Zach LaVine ng 32 points at nagtala si Lonzo Ball ng triple-double laban sa kanyang dating koponan nang pataubin ng host Chicago Bulls ang New Orleans Pelicans, 128-112.

Nakakolekta si Ball, dinala sa Chicago mula sa New Orleans sa offseason, ng 17 points, 10 assists at 10 rebounds. Nagdagdag si DeMar DeRozan ng 26 points at umiskor sina Nikola Vucevic at Javonte Green ng tig-10 points para sa Bulls na nanalo sa kanilang home opener nang simulan ang season sa pamamagitan ng panalo sa Detroit noong Miyerkoles.

Kumabig si Brandon Ingram ng 26, tumipa si Devonte’ Graham ng 21, nagdagdag si Jonas Valancuinas ng 18 at kumamada si Nickeil Alexander-Walker ng 15 upang pangunahan ang Pelicans. Nag-ambag si Ingram ng 8 rebounds at 8 assists.

9 thoughts on “LAKERS PINASO NG SUNS”

  1. 924310 453499Safest messages, or a toasts. are generally launched at one point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as properly. greatest man jokes 492293

Comments are closed.