LAKERS PINAYUKO ANG KINGS

KUMANA sina LeBron James at  Malik Monk ng pinagsamang 55 points, kabilang ang limang 3-pointers sa fourth-quarter rally na nagbigay-daan para matakasan ng host Los Angeles Lakers ang Sacramento Kings, 122-114, Martes ng gabi.

Tumapos si James na may game-high 31 points at nagdagdag si Monk ng 24 at nakamit ng Lakers ang ikatlong sunod na panalo sa pagsisimula ng five-game homestand. Umiskor si De’Aaron Fox ng team-high 30 points at nakalikom si Buddy Hield ng 26 para sa Kings, na natalo sa ikalawang pagkakataon pa lamang sa nakalipas na limang laro.

Naghabol ang Lakers sa 96-89, may 8:11ang nalalabi bago sumandal sa 14 points ni James at 11 ni Monk sa 33-18 finish. Nagsalpak si James ng pares ng 3-pointers at tatlo si Monk bilang bahagi ng run.

Makaraang ma-split nina James at Hield ang apat na sunod na lead-changing 3-pointers, nagpalitan sina Monk at Tyrese Haliburton ng two-point hoops. Binigyan ni Monk ang Lakers ng kalamangan, 112-110, sa pamamagitan ng 3-pointer, may 2:50 sa orasan.

RAPTORS 129, SPURS 104

Naitala ni Fred VanVleet ang 24 sa kanyang 33 points sa first half at nagbigay ng pitong assists nang gapiin ng Toronto ang bisitang  San Antonio.

Si VanVleet, 7 of 14 sa 3-point attempts, ay umiskor ng mahigit 30 points sa bawat laro sa nakalipas na tatlong games habang umangat ang Raptors sa .500 para sa season, sa 17-17. Nagdagdag si Pascal Siakam ng 18 points, 12 rebounds at 5 assists para sa Raptors, na nanalo ng tatlong sunod. Nag-ambag si Gary Trent Jr. ng 21 points.

Tumipa si dating Raptor Jakob Poeltl ng 19 points at kumalawit ng 12 rebounds para sa Spurs, na natalo ng apat na sunod. Umiskor sina Devin Vassell at Joshua Primo ng tig-15 points.

GRIZZLIES 110, CAVALIERS 106

Kumana si Ja Morant ng 26 points at nagdagdag si Jaren Jackson Jr. ng 22 upang pangunahan ang panalo ng bisitang Memphis laban sa Cleveland.

Gumawa si Morant, ang Western Conference Player of the Week, ng ilang crucial plays sa huling sandali para igiya ang Memphis sa season-high sixth straight win.

Nagtala si Cleveland’s Darius Garland ng 27 points at 10 assists sa kanyang pagbabalik mula sa four-game absence dahil sa health and safety protocol. Nakakolekta si Jarrett Allen ng 22 points at 12 rebounds para sa Cavaliers, na natalo ng apat sa kanilang huling limang laro.

Sa iba pang laro ay dinispatsa ng Knicks ang Pacers, 104-94, at ginapi ng Suns ang Pelicans, 123-110.