TARLAC – DEAD on the spot ang isang lalaki na umano’y tagabenta ng shabu makaraang mamaril sa ikinasang buy bust operation sa kahabaaan ng Provincial Road Purok 6 sakop ng Brgy. Bigbiga sa bayan ng Mayantoc alas-2:00 ng madaling araw, Abril 23, 2019.
Sa report na ipinadala ni P/Captain Michelle Agnetha Gaviola kay P/Col. Jesus Rebua kinilala ang napaslang na suspek na si Virgilio Leonardo y Estacio alyas Benjie, 55-anyos. residente ng Brgy. Cut-Cut 2nd sa bayan ng Capas.
Base sa inisyal na report ni P Lt. Col. Luis M. Ventura Jr. bago ang pangyayari, dumating ang suspek sa lugar sakay ng isang motorsiklo na walang plaka.
Kung saan nakatunog si alyas Benjie na pulis ang kanyang katransaksiyon na dahilan ng agaran nitong pagpapaputok ng baril sa mga awtoridad.
Na naging hudyat naman sa pagganti ng putok ng mga pulis na dahilan nang agad na pagkamatay ng suspek.
Nakuha ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa pinangyarihan ng engkuwentro ang isang cal.38 na baril, at tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu. THONY ARCENAL
Comments are closed.