PATAY ang isang lalaki matapos mabangga at magulungan ng isang isuzu elf habang tumumatawid sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Isinugod ng rumespondeng rescue ambulance ng Caloocan sa Caloocan City Medical Center ang hindi pa kilalang lalaking biktima subalit hindi na umabot ng buhay sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.
Nahaharap naman sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, kasama ang paglabag sa section 19 under RA 4136 ang driver ng Isuzu Elf (RME-967) na si Jun-jun Zamora, 19, helper, ng Sabalo, Brgy. 8, Caloocan.
Sa isinumiteng report ni PCpl Jowie Balunsat kay Caloocan Police Chief P/Col. Noel Flores, dakong alas-8:00 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Ext., corner 10th Avenue.
Lumabas sa imbestigasyon, tinatahak ng isuzu elf na minamaneho ni Zamora ang kahabaan ng 10th Avenue patungo sa A. Mabini Street at pag-sapit sa naturang lugar ay nabangga ng sasakyan ang tumatuwid na biktima.
Sa lakas ng pagkakabangga, bumagsak ang biktima at nagulungan pa ng saksakyan habang nadakip naman ng mga pulis si Zamora na napag-alamang nagmamaneho na walang lisensya. EVELYN GARCIA
Comments are closed.