LALAKI PATAY SA SUNOG

sunog

QUEZON-PATAY ang isang lalaki matapos itong ma-trap sa nasusunog nitong bahay sa may Daleon St.,Purok Magkakapatid, Torres Subd.,Barangay Ilayang Iyam, Lucena City.

Kinilala ang biktima na si Rodelio Camacho Mendoza, 40-anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Base sa report ng Lucena PNP, dakong ala-6:10 ng gabi nang makitang may lumalabas na makapal na usok sa loob ng bahay ni Mendoza at biglang sumiklab ang apoy na kung saan  sumisigaw ng  tulong ang biktima.

Agad nagrespondeng ang mga bumbero, dakong alas -7:30 ng gabi ay naapula ang apoy subalit,  hindi nakaligtas ang biktima na hinihinalang na-suffocate dahil sa nabalot ng makapal na usok ang loob ng bahay.

Sa report BFP, tinatayang aabot P900K  ang ha­laga ng nasunog na bahay at gamit ng biktima habang  inaalam pa ng Lucena BFP Arson Investigator kung ano ang dahilan ng sunog at kung saan ito nagmula.

Samantala, isinailalim naman ang katawan ng biktima sa Post Mortem Examination. BONG RIVERA

Comments are closed.