LALAKING NAGPAPATUBIG SA BUKID NAKURYENTE

magsasaka

PAMPANGA- NAUWI sa malungkot na pagdiriwang sa mismong araw ng Pasko ang mga kaanak ng isang magsasaka matapos matumba nang lumindol at aksidenteng madikit ang leeg sa kuryente ng water pump habang nagpapatubig sa sinasakang bukid nitong umaga ng Disyembre 25 sa Sitio Bukaran, Barangay Bodega, Florida Blanca.

Nakilala ang biktimang si Noel Santos, 46 anyos, matandang binata at residente sa nabanggit na lugar.

Kuwento ng mga kaanak ng biktima, nakainom ng alak ng magtungo raw ito sa bukid para magpatubig, pero dito ito inabot ng biglaang paglindol.

Dead on the spot ang biktima ng makuryente, matapos mawalan umano ng panimbang  bunsod ng maikli pero bahagyang malakas na lindol hanggang sa matumba at sumabit ang leeg nito sa wire ng dikuryenteng water pump na gamit sa pagpapatubig. ROEL TARAYAO

Comments are closed.