LAMENTILLO NANGUNA SA SURVEY NG GOV’T SPOX

NANGUNA si Department of Information and Communications Technology (DICT) Spokesperson, Undersecretary Anna Mae Yu Lamentillo, sa isang survey para sa mga spokesperson ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Si Lamentillo, DICT’s Undersecretary for Public Affairs and Foreign Relations, ay nakakuha ng rating na 88%, kqsunod ni Office of the Press Secretary (OPS) Officer-in-Charge (OIC) Cheloy Velicaria-Garafil (86%), Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Margarita Gutierrez (84%), Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Goddess Hope Libiran (83%), at Department of Health (DOH) OIC-Undersecretary Beverly Ho (82%).

Kasama sa top ten sina Department of Justice (DOJ) Assistant Secretary Mico Clavano (80%), Department of Education (DepEd) Spokesperson Atty. Mike Poa (78%), Department of Social Welfare and Development (DSWD) OIC Edu Punay (75%), Department of Agriculture (DA) Assistant Secretary Kristine Evangelista (73%), at Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Patricia Caunan (70%).

Si Pangulong Marcos, Bise Presidente Duterte, at mga miyembro ng gabinete ay nakakuha ng outstanding evaluations sa kanilang overall job performance sa RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) “Boses ng Bayan” national survey para sa taong 2022.

Kinukumpirma nito na ang kanilang tagapagsalita ay epektibong nagpahayag ng mga layunin, hakbangin, at patakaran ng gobyerno, pahayag ni Dr. Paul Martinez ng RPMD.

Sinabi ni Lamentillo, na ang resulta ng survey, kung saan tumanggap ng mataas na rating ang mga tagapagsalita ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, ay nagsisilbing affirmation na pinahahalagahan ng publiko ang trabahong ginagawa ng government communicators.

Noong nakaraang Disyembre, ang Office of the Press Secretary ay nag-organisa ng isang pagtitipon sa iba’t ibang mga kinatawan ng komunikasyon mula sa iba’t ibang ahensya at departamento ng gobyerno na may layuning pagtugmain ang mga estratehiya sa komunikasyon ng pamahalaan upang mabisang makapaghatid ng may-katuturan at karagdagang impormasyon para sa mamamayang Pilipino.