ITINAAS ng global credit watcher Fitch Ratings ang outlook nito sa dalawang Philippine state-owned banks dahil sa ‘sound macroeconomic policy’.
Binago ng Fitch ang outlook nito kapwa sa Land Bank of the Philippines (LBP) at Development Bank of the Philippines (DBP) sa ‘Positive’ mula sa ‘Stable’, na nagpapakita ng upward trend sa rating scale.
“The Outlook revision on the sovereign rating reflects continued adherence to a sound macroeconomic policy framework, pro-gress on fiscal reforms that should keep government debt within manageable levels and continued resilience in its external finances,” ayon sa statement ng Fitch.
Ang LBP ay may mandatong isulong ang countryside development bagama’t nananatiling ‘financially viable’ kung saan ang kita nito ay nanggagaling sa operasyon ng mga commercial bank.
Samantala, ang pangunahing layunin ng DBP ay ang magkaloob ng banking services, lalo na sa medium at long-term needs ng agricultural at industrial enterprises.
Sa parehong statement, pinagtibay ng Fitch ang long-term issuer default ratings (IDR) ng dalawang bangko sa ‘BBB.’
Sa ilalim ng Fitch rating scale, ang ‘BBB’ ay nagpapakita na ang expectations ng default risk ay kasalukuyang mababa, at ang kakayahan para sa pagbabayad ng financial commitments ay itinuturing na ‘sapat’
Gayunman, nakasaad din na ang adverse business o economic conditions ay maaaring makaapekto sa naturang kakayahan.
“The ratings of the privately-owned Philippine commercial banks are not affected by this review,” anang Fitch.
“We will reassess their ratings if there is further evidence of the sovereign’s improved ability and propensity to support the banking system more broadly,” dagdag pa nito.
Comments are closed.