PAMPANGA- KANSELADO na ang pinakaaabangan na Giant Lantern Festival sa Lungsod ng San Fernando ngayong taon dulot ng COVID-19 pandemic.
Kilala ang pamosong festival sa pagpapakita ng mga naglalakihan, naggagandahan at mga kumukutitap na higanteng parol na gawa mula sa iba’t- ibang barangay tuwing nalalapit ang pagsapit ng panahon ng kapaskuhan.
Gayunpaman, may ilang grupo umano ng mga gumagawa ng parol ang nakikipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan upang maituloy ang aktibidad kahit sa paraang online na lamang.
Labis na naapektuhan ng pandemya ang mga negosyante at mga nagtitinda ng parol kung saan dahil dito, naisipan na nilang ibenta ang kanilang gawang produkto sa pamamagitan ng online. ROEL TARAYAO
Comments are closed.