LAOAG-HUANGSHAN ECONOMIC COOPERATION, SISTERHOOD PAGTITIBAYIN

Personal na tinanggap at binati ni FFCCCII President Dr. Ceci­lio Pedro ang delegasyon ng Huangshan City, People’s Republic of China na dumating kamakailan sa Pilipinas upang pagtibayin ang economic cooperation at sisterhood sa Laoag, City sa Ilocos Norte na inaasahang magpapalakas din sa turismo ng magkabi­lang panig. Kuha ni BENEDICT ABAYGAR, JR.

 

PAGTITIBAYIN ng lokal na pamahalaan ng Laoag City sa Ilocos Norte at ng Huangshan City, People’s Republic of China ang sisterhood agreement para sa economic cooperation ng dalawang siyudad.

Sa ginanap na press conference sa Quezon City, personal na tinanggap at binati ni Federation of Filipino Chinese Chamber of Commerce and Industry (FFCCCII) President Dr. Cecilio Pedro ang delegasyon ng Huangshan City, China.

Ayon kay Pedro, sa pamamagitan ng kasunduan ay magtutulungan ang dalawang bansa upang mas maging matibay ang ugnayang Pilipinas at China.

Iprinisinta kahapon ang likas na yaman ng Huangshan, partikular ang kakaibang gandang taglay na mga bulubundukin ng lugar na nagtataglay ng industrial zone kung saan maganda rin at makaeengganyo ng mga investors pagdating sa energy reserves, artificial intelligence, ecological at iba pa.

Inaasahan ding mapaghuhusay ang close relationship ng dalawang nabanggit na bansa kung saan kasama sa pagtutulungan ang pagpapalakas ng turismo ng magkabilang panig.

Kilala ang Huangshan bilang world-famous tourist destination at UNESCO World Heritage Site na nasa bahagi ng east China.

-BENEDICT ABAYGAR, JR.