NASUNGKIT ng Camarines Sur ang Guinness World Record para sa largest zumba class sa buong mundo.
Umaabot sa halos 17,000 katao ang nakiisa sa isinagawang Grand Zumba Kontra Droga sa Capitol Compound sa Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur.
Dinaluhan ito ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga tauhan ng Philippine Army, Philippine National Police, mga pribadong sektor at mga grupo na sabay-sabay na nagsayaw sa loob ng 30-minuto.
Labis na ipinagmamalaki ng Camarines Sur ang pagkilalang nakuha ng lalawigan kasabay na rin ng pagdiriwang ng 439th Foundation Anniversary nito at ang pagsisimula ng Kaogma Festival 2018.
Nagpapakita rin ito ng pakikiisa ng Camarines Sur sa kampanya kontra sa iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Pinataob ng Camarines Sur ang Mandaluyong City na mayroong mahigit 12,000 na mga kalahok para sa largest zumba class sa Guinness noong nakaraang taon. AIME ANOC
Comments are closed.