LARO NG MPBL SA DUBAI NILANGAW?

on the spot- pilipino mirror

HOW true kaya ang nasagap naming balita na nilangaw ang laro ng MPBL sa Dubai? Kung hindi pa raw pinapasok ang mga OFW roon ay walang manonood sa laro ng naturang liga.  Ang nakapagtataka, naroon naman ang mga actor na sina Gerald Anderson at Derek Ramsey, dagdag pa natin si Jayjay Helterbrand at ang founder ng liga na si Senator Manny Pacquiao. Siyempre, ang nakakaawa rito ay ang organizer ng laro, imbes na kumita ay paniguradong malaki ang lugi nito.

Matapos ang MPBL, ang PBA naman ang darayo sa Dubai. Same venue rin. Ang tanong ay kumita naman kaya ang PBA kung saan magsasagupa ang San Miguel Beer at NLEX? Abangan na lang natin.



Malaki ang tiwala  ni multi-titled coach Ato Tolentino na maibabalik niya ang sigla sa basketball ng Wang’s Ballclub sa darating na PBA D-League at iba pang mga liga.

Ito ay matapos na kumpirmahin ni Tolentino, na kilala bilang ‘Mr. Hotshot’ noong naglalaro pa siya sa PBA, na magbabalik siya bilang head coach ng Wang’s Ballclub.

Pinalitan ni Tolentino si  coach  Pablo Lucas, na na-ban for life sa National Basketball League (NBL).

“Naniniwala naman ako sa kakayahan ng team, sa pamumuno ni  team owner-manager Alex Wang. Kung susuwertehin, baka mag-champion din tayo sa PBA D-League,” pahayag ni Tolentino sa kanyang pagdalo sa 42nd Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club sa Intramuros, Manila kahapon.

“Kung dati, hindi naging maganda ang kampanya ng Wang’s Ballclub sa PBA D-League, siguro ngayon ay makakabawi na kami nang husto,” aniya sa lingguhang sports forum na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, NPC,  Pagcor, Community Basketball Associaiton at HG Guyabano Tea Leaf Drinks, kasama si PCU assistant coach Darryl Fontanilla.

TIniyak ni Tolentino na mas palalakasin niya ang Wang’s Ballclub sa tulong ng mga piling player mula sa PCU.

“Marami kaming magagaling na players sa PCU. Batak na ang mga ito sa laban kaya siguradong malaki ang maitutulong sa Wang’s Ballclub,” pagtitiyak pa ni Tolentino.

Sa kasalukuyan, maituturing si Tolentino na isa sa mga matagumpay na coach sa collegiate leagues.

Bukod sa limang titulo niya sa NAASCU  para sa University of Manila Hawks mula 2001 hanggang 2005, si Tolentino rin ang bukod tanging coach na nagbigay ng titulo sa PCA sa NCAA noong 2004.

Dahil din dito, si Tolentino ang tanging coach  sa kasaysayan na nanalo ng dalawang titulo sa dalawang magkaibang liga sa loob lamang ng isang taon – 2004.

Nabigyan din ni Tolentino ang UM ng tatlong national inter-collegiate championships at isang Asian University Championship..

Ilan sa mga sikat na players na naglaro sa ilalaim ni Tolentino sina Paul ‘Bong’ Alvarez, Zandro Limpot,  Nelson  Asaytono,  Eugene Quilban, Joseph Pelaez, Biboy Simon,  Banjo Calpito, Chris Bolado, Joel  Dualan,  Leo Avenido, Reynel Hugnatan, Jovy Sese at Jason Castro.