MISAMIS ORIENTAL – LUBHANG naging kahindik-hindik ang sinapit na kamatayan ng isang 33-anyos na lalaki nang mapisak ang ulo nito matapos masagasaan ng ambulansiya sa bayan ng Tagoloan.
Sa report ng Misamis Oriental Provincial Police Office, dead on the spot si Renante Agkilan, 33-anyos, binata, at residente ng Tagoloan Town na humiga sa kalsada dahil sa kalasingan.
Ayon kay Police Staff Sgt. Noel Miniano, ng Tagoloan Police Station na may hawak ng kaso, nagulungan ng gulong ng ambulansiya na minamaneho ni Maximo Oditor ang ulo ng biktima na nakahiga sa daan dahil sa sobrang kalasingan.
Hindi umano napansin ng ambulance driver ang biktima na nakahiga sa daan dahil madilim at nakasuot pa ito ng itim na T-shirt kung kaya’t kanya itong nasagasaan.
Kusang sumuko sa himpilan ng pulisya ang driver ng ambulansiya matapos ang pangyayari. VERLIN RUIZ
Comments are closed.