SULTAN – NALUNOD ang 28-anyos na lalaking senglot makaraang mag-dive sa swimming pool ng Hot and Cold Spring Resort, sa Barangay Marguez, bayan ng Esperanza, kamakalawa ng tanghali.
Base sa police report, naisugod pa sa Sultan Kudarat Provincial Hospital si Jaypee Tomas Kinindi subalit idineklarang dead on arrival.
Sa ulat na nakarating kay P/Maj Gary Flor Marfil, hepe ng Esperanza Police Station, lumahok sa birthday party ang biktima at pamilya kung saan ito nakainom ng ilang bote ng alak.
Gayunpaman, nag-paalam ang biktima sa ilang kainuman na maliligo muna sa swimming pool dahil medyo mainit ang panahon.
Ilang minuto lamang nakalipas kung saan inakala ng mga kaanak ng biktima na sumisid lang ito nang biglang lumutang ang katawan nito at wala nang malay kaya sinaklolohan at saka dinala sa nasabing pagamutan subalit hindi na umabot pa ng buhay. MHAR BASCO
Comments are closed.