LAURE, HERNANDEZ INIWAN NA ANG UST

NAGPASYA na sina Eya Laure at Imee Hernandez, dalawa sa women’s volleyball standouts ng University of Santo Tomas, na pabayaan ang nalalabi nilang UAAP eligibility upang maging pro.

Si Laure, ang Season 81 Rookie of the Year na nakipagtambalan kay Sisi Rondina sa runner-up finish ng Tigresses noong 2019, ay may isang taon pa sa UST.

Subalit dumating na ang sandali para tapusin ni Laure ang kanyang 12-taong pananatili sa UST, kung saan siya nakilala nang pangunahan niya ang Junior Tigresses sa Season 76 title noong 2014.

“Napakaraming nangyari sa loob ng labing dala- wang taon na ‘yun. Inabot na ako ng K-12, pati pandemic dito ko na hinarap at nalagpasan. Napakaram- ing heartbreaks. Maraming beses na natalo sa games.

At napakaraming lessons. Pero ang paborito ko sigu- rong natutunan ay kung paano magmahal. Dahil sa UST. Dahil sa Thomasian community. Dahil sa sup- porters ng team,” ipinost ni Laure sa kanyang social media accounts Huwebes ng gabi.

Makaraang masibak ang Tigresses sa Season 85 Final Four race, umaasa ang España faithful na susubok ulit si Laure para sa mailap na championship.

“Kaya siguro up until the last minute, I wanted to find a way to play for one more year. Para akong nakikipag-break sa libulibong tao and my heart is shattering into pieces. Ang sakit at ang hirap mag ma- paalam,” sabi ni Laure.

“Patawad dahil hindi ko naibigay ‘yung championship na deserve niyo.

But more than that, salamat. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang laki ng pasasalamat na meron ako sa inyo,” dagdag pa niya.

A grateful Laure has nothing but praises to her supporters who boosted her in every game through highs and lows.

“Salamat UST. ‘Yun ang salita na lagi lalabas sa bibig ko simula ng pag tapak ko sa school na to hanggang sa moment na I have to say goodbye sa school na sinamahan ako at hindi din ako sinukuan kahit anong mangyare.

Kundi dahil sainyo hindi ko siguro maabot ang mga pangarap ko,” aniya.

“To the UST Community, salamat at pinakita niyo ulit sa amin ang Sea of Yellow. Walang makakapantay na suporta ang pinakita niyo at lakas ng mga sigaw niyo. Thank you kasi bumalik kayo at nagtiwala sa team. Sobrang mamimiss ko marinig ang ‘Go Uste!’ habang naglalaro. Kasama niyo na ako ngayon,” dagdag pa niya.

“Lagi ninyo akong pinupuri dahil sabi niyo mahal na mahal ko ang UST. Pero sana malaman niyo na kayo ang nagturo sa akin nun.”

Nangako ang 24-year old na si Laure na susu- portahan ang Tigresses sa pagtsi-cheer sa bawat laro nito.

“Pangako, kahit saan man ako mapadpad, bitbit ko ang pagmamahal niyo. No goodbyes. Just see you again,” ani Laure.

“I will forever be your Kapitana Eya Laure. Kasama niyong sisigaw ng Go USTe hanggang dulo,” dagdag pa niya.

Ginulantang naman ni Hernandez, na tulad ni Laure ay bahagi ng matagumpay na Junior Tigresses program, ang UST community dahil may tatlong seasons pa siya sa kanyang eligibility.

Bago si Laure ay si Hernandez muna ang nagpost ng kanyang desisyon na iwan ang Tigresses sa social media.

“It seems like only yesterday when a skinny little girl from Baliwag came to España, Manila, filled with uncertainty and excitement. But that was way back in 2014. My knowledge of the game, which eventually changed the course of my life, was very simple. I had nothing to offer, yet you embraced me without hesitation. You saw in me the potential I never recognized. This community believed in me, and because of your unwavering love and support throughout the years, I reached new heights and achieved many personal goals,” sabi ni Hernandez.