LEBEL NG TUBIG NG MGA DAM UNTI-UNTING NABABAWASAN

BULACAN- MULING nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 oras, ayon sa PAG-ASA.

Batay sa update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kahapon alas-6 ng umaga ay nabawasan pa ng 30 sentimetro ang tubig sa dam kaya bumaba pa ito sa 195.85 meters.

Gayunpaman, malayo layo pa naman ito sa minimum operating level ng dam na 180 meters.

Bukod sa Angat dam, bahagya rin nabawasan ang lebel ng Tubig sa Ipo dam na nasa 99.76 meters.

Kabilang pa sa mga dam na nabawasan ang tubig ay ang La Mesa dam, Ambuklao, San Roque, Pantabangan, at Caliraya dam.
P ANTOLIN