UNTI-UNTI nang nakababawi ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa Bulacan dahil na rin sa sunod-sunod na mga pag-ulan na dala ng bagyong Falcon at Goring.
Batay sa pinakahuling datos mula sa Pagasa Hyrology Division, alas-6 ng umaga ng Linggo ay umakyat na sa 161.45 meters ang lebel ng tubig sa Angat Dam mula sa 161.35 meters na naitala nitong Sabado.
Maliban sa Angat, patuloy rin sa pagtaas ang lebel ng tubig sa La Mesa Dam na umakyat sa 73.37 meters mula sa 73.21 meters kahapon
Dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan na nararanasan sa malaking panig ng bansa hanggang ngayon, patuloy rin sa pagtaas ang lebel ng tubig sa iba pang mga dam sa luzon tulad ng Ambuklao, Binga at Pantabangan
Gayunman, may naitalang pagbaba ng lebel ng tubig sa San Roque Dam sa Pangasinan, Magat Dam sa Isabela at Ang Caliraya Dam sa Laguna. DWIZ882