LEBEL NG TUBIG SA MGA DAM TULOY SA PAGBABA

dam

PATULOY na bumababa ang lebel ng tubig sa mga dam sa bansa partikular na sa Luzon.

Batay sa Pagasa Hydrology Division, nasa 194.38 meters ang water level ng Angat dam kahapon ng  umaga  na mas mababa kumpara sa 194.79 meters kamakalawa.

Bahagya ring bumaba ang water level ng La Mesa dam na mula 68.55 meters kahapon ay  nasa 68.54 meters naman kahapon ng  umaga.

Samantala, pawang nabawasan din ang antas ng tubig sa Ipo dam, Ambuklao dam, San Roque dam, Pantabangan dam, Caliraya dam at Magat dam. DWIZ882