LEE PBAPC PLAYER OF THE WEEK

MULING ipinamalas ni Paul Lee ang kanyang angas sa isang laro sa PBA Philippine Cup noong Linggo kung saan malaki ang nakataya sa pagitan ng dalawang title contending teams.

Nagpasabog ang Tondo-born guard ng 18 big points sa fourth quarter nang pangunahan ang 100-90 panalo kontra San Miguel Beer na nagbigay sa Hotshots ng tsansa na makuha ang nalalabing twice-to-beat advantage sa nalalapit na playoffs.

Sa kabuuan, ang 32-year-old na si Lee ay nagbuhos ng 32 points, tampok ang 3-of-6 shooting mula sa 3-point area, 4 rebounds, at 5 assists upang tulungan ang kanyang koponan na matikas na tapusin ang elimination round campaign matapos manalo ng back-to-back games sa Don Honorio Ventura State University gym.

Tinapos ng Magnolia ang eliminations na may 8-3 record sa solo third place, subalit kasalukuyang nasa ma-gandang posisyon para kunin ang no. 2 seeding papasok sa quarterfinals.

Ang output ay fifth career 30-point game ni Lee, ayon kay PBA chief statistician Fidel Mangonon III, habang ang 18 points sa fourth period ang most scored sa isang quarter ng isang player ngayong season.

Bunga nito ay napili si Lee bilang Cignal-Play PBA Press Corps Player of the Week para sa Sept. 15-19 period.

Tinalo ng Magnolia guard mula sa University of the East si TnT Tropang Giga rookie Mikey Williams sa close voting para sa weekly award na ipinagkakaloob ng mga regular na nagko-cover ng PBA beat.

Ang iba pang kandidato sa weekly citation ay ang Meralco trio nina Allein Maliksi, Raymond Almazan at Bong Quinto, Lee’s Magnolia teammate Ian Sangalang, at veteran NLEX big man JR Quinahan. CLYDE MARIANO

Comments are closed.