GRABE, ang daming tao kahapon sa Araneta Coliseum dahil sa LEGENDS GAME na tinawag na ‘Return of the Rivals’ kung saan first game ang bakbakan ng SMB at Alaska, na sinundan ng pinakaaabangang duelo ng Ginebra at Purefoods. Maaga pa lang ay marami nang tao sa labas ng coliseum. Marami pang naghahanap ng ticket pero wala nang mabilhan. Bago pa ang laro ay soldout na ang tickets. Ganito kasabik ang old fans ng Legends.
Nagsisigawan ang followers ng Gin Kings, gayundin ang mga tagahanga ng Alaska, Purefoods at San Miguel Beer.
Para makumpleto ang kasiyahan ng fans, may mga souvenir na ibinebenta sa loob ng Big Dome. May mga jersey na ang nasa likod ay last name ng mga player. P650 bawat isa, na mabiling-mabili naman. Ang lahat ay excited na makita ang mga dating idol nila na ang tawag sa kanila ngayon ay LEGENDS. Congrats!
Siyempre, ang nag-coach sa Ginebra ay walang iba kundi si Sonny Jaworski. Sa Purefoods ay sina Ramon Fernandez at Ed Cordero, habang sa Alaska ay sina Joel Banal at Aric del Rosaruo, at sa San Miguel ay sina Pilo Pumaren at Jong Uichico.
Kung legends ang mga naglalaro, legends din ang nagpi-play by play, sa katauhan nina Sev Sarmiebta at Andy Jao.
***
Nakaraos din kami sa wedding ng anak kong si Zia Rechev last February 15, sa may lokal ng Highway Hills sa Mandaluyong. Congrats sa newly wed, kina Zia at Roger. Maraming salamat sa mga ninong at ninang na kahit super traffic ay nakarating sa venue, gayundin sa reception na ginawa sa OASIS, Manila. Salamat, salamat sa mga naging abay nila, flower girls at ring bearer. Sa lahat ng naging bisita nila, friends, relatives at officemates.
Parang kailan lang ay baby pa ang anak kong si Zia, ito na kinuha na sa akin ng son-in-law ko. Nawa’y magmahalan kayong dalawa, laging unahin sa buhay ang Panginoong Diyos at ang pagtupad sa tungkulin. At siyempre po, ang hindi namin makakalimutan ay ang magpasalamat at napasaya niya ang bagong kasal, gayundin ang mga bisita. Salamat kay Ms. Yvet Katigbak na tumulong sa amin para makapunta si coach Sonny ‘BIG J’ Jaworksi. Napakagandang message ang ibinigay niya kina Zia at Roger.
Salamat po coach sa pagpunta, grabe kahit super traffic at pagod ka sa practice ng Legends na galing ka pa po sa Corinthian Garden, napag-bigyan mo kami para sa mga bagong kasal. Hindi namin makalilimutan ang ginawa mong pagpapaunlak. Super bait mo po talaga, hindi ka pa rin nagbabago basta available ka pupunta at pupunta ka para magbigay ng kaligayahan sa fans mo. Sana, bigyan ka pa ng mahabang buhay ng Panginoong Diyos, good health upang makapagbigay ka pa ng kaligayahan sa mga follower mo. Salamat, coach Jaworski, wala kang katulad.
To Zia and Roger, congratulations and best wishes!
Comments are closed.