MAHIGIT tatlong linggo pa lamang matapos na italaga bilang co-chairperson ng Inter-Agency Committee on Illegal Drugs (ICAD), sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo mula sa posisyon nito kahapon.
Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea kahapon.
Noong Nobyembre 6 ay tinanggap ni Robredo ang posisyong co-chairperson matapos siyang italaga ng Pangulo sa pamamagitan ng isang sulat noong Oktubre 31.
Ang ICAD ay isang komiteng binubuo ng iba-ibang ahensiya para labanan ang ilegal na droga,
Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa nagbibigay ng dahilan ang Palasyo ng Malakanyang kung bakit sinibak sa puwesto si Robredo.
Matatandaang binabatikos ni Robredo ang madugong kampanya ng gobyerno laban sa droga at sinabing hindi umano ito epektibo dahil patuloy na tumataas ang bilang ng mga adik at nagbebenta ng droga.
Sumulat din umano si Robredo sa Pangulo at muling iginiit na dapat direkta siyang sabihan ng huli kung nais nitong bitawan niya ang pagiging co-chair ng ICAD makaraang magpahayag ang Chief Executive na hindi niya kailanman pagkakatiwalaan ang bise presidente dahil miyembro ito ng oposisyon.
Comments are closed.