LETRAN, MAPUA LALAPIT SA ‘FINAL 4’

Standings W L
Letran 5 1
Mapua 5 1
SSC-R 4 2
LSGH 4 2
San Beda 3 3
Perpetual 3 3
LPU 3 3
JRU 2 4
Arellano 1 5
EAC 0 6

Mga laro ngayon:
(EAC Gym)
7:30 a.m. – EAC vs Mapua
9:30 a.m. – LSGH vs JRU
11:30 a.m. – San Beda vs Arellano
2:30 p.m. – SSC-R vs Perpetual
4:30 p.m. – Letran vs LPU

TARGET ng Letran at Mapua na lumapit sa pagkopo ng unang dalawang Final Four berths sa pagsagupa sa Cavite-based high school sides sa NCAA juniors basketball tournament ngayon sa EAC Gym.

Haharapin ng Squires ang mapanganib na Lyceum of the Philippines University sa alas-4:30 ng hapon, habang makakabangga ng Red Robins ang wala pang panalong Emilio Aguinaldo College sa alas-7:30 ng gabi.

Puntirya ng San Sebastian at CSB-La Salle Green Hills, nakadikit sa co-leaders, ang all-important wins para manatili sa Final Four range.

Magsasalpukan ang Staglets at University of Perpetual Help System Dalta sa nationally-televised game sa alas-2:30 ng hapon, habang sisikapin ng Greenies na mahila ang kanilang winning run sa lima kontra Jose Rizal University sa alas-9:30 ng gabi.

Ang Letran at Mapua ay nanatiling tabla sa ibabaw ng standings sa 5-1, isang laro ang angat sa joint third placers San Sebastian at LSGH, na may 4-2 kartada.

Magpapambuno naman ang San Beda at Arellano University sa alas-11:30 ng umaga.