INATASAN ng Department of Interior and Local Government ang Local Government Units (LGUs) at Philippine National Police (PNP) na i-monitor at arestuhin ang mga nasa likod ng pekeng contact tracer.
Ipinag-utos ito ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año dahil sa dumaraming bilang ng mga rereklamo laban sa sinasabing pekeng contact tracers na nanghihingi ng pera sa kanilang nabibik-tima.
Ani Año, modus ng mga ito ay kunin ang personal information ng mga target nila at tatawagan ang mga bibiktimahin upang sabihing positibo sila sa COVID-19.
At dito ay hihingan na nila ng pera ang mga nabiktima kapalit ng test kits.
Kaya’t panawagan ni Año na huwag magpapaloko dahil ang Contact Tracing Teams ay hindi manghihingi ng pera.
Nagpahayag din ito ng pagkadismaya dahil sa nagagawa pang manamantala sa kanilang kapwa ang nasabing mga scammer ngayong may krisis ang bansa.
Aniya, hindi lamang pala ang kinatatakutan na COVID-19 ang dapat pag-ingatan ng publiko kundi mag-ing itong mga gumagawa ng modus.
Comments are closed.