NASA 26,872 na mga contact tracer ang naipakalat na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa iba’t-ibang lokal na pamahalaan.
Sinabi ni DILG Secretary Eduardo Año na 12,421 sa mga ito ay na-ideploy sa Luzon habang 69% o 6,234 ang naipakalat sa Visayas at 62% o 8,217 naman ang naitalaga sa Mindanao kabilang ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ayon sa DILG, target na makumpleto ang kinakailangang 50,000 contact tarcers bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Sa ngayon ay mayroong 12,197 na aplikasyon ang pinoproseso ng iba’t-ibang field office ng DILG. EVELYN GARCIA
Comments are closed.