LIBRE ANG BAKUNA SA MAHIHIRAP

Pangulong Rodrigo Duterte-3

MULING inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na libre ang Anti-COVID 19 sa maralita nang bumisita ito sa Jolo, Sulu.

Suportado rin ng Punong Ehekutibo ang hakbang ni Sulu Governor Abdusakur Tan kung nais na bumili ng bakuna para sa kaniyang nasasakupan subalit kailangan na may koordinasyon kay Vaccine Czar Carlito Galvez.

Ayon sa Pangulong Duterte, kailangan lamang na matiyak na may approval ng Food and Drug Administration ang anumang bakuna na gagamitin ni Tan sa kanyang mga constituents.

“Lahat naman dumadaan diyan. So its a mandatory requirement. Other than that, I have nothing to do. That’s a requirement of law, sunod lang tayo,”giit ng Pangulo.

“Sakur, wala akong objection kung magbili ang local government para iturok doon sa mga tao. Okay ‘yan. Walang inggitan ‘to, puro tayo gobyerno,” bahagi ng talumpati ng Pangulo sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista Headquarters, Jolo, Sulu.

Paalala pa ng Pangulo sa gobernador, na hindi dapat mag-alala sa bakunang parating sa bansa dahil ito ay dumaan sa pagsisiyasat ng Food and Drug Administration at iba pang health experts.

Ipaunawa na lang aniya sa kaniyang nasasakupan na mahalaga ang magpabakuna at ito para na rin sa kaligtasan.

Nagtungo sa Jolo ang Pangulo para batiin ang mga sundalong sugatan na nagtanggol para sa estado.

Aniya, nalulungkot siya at hindi personal na mabisita ang mga sundalo sa ospital subalit iparating na lang aniya ng AFP Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay at command unit ang kanyang pagbati sa katapangan ng mga ito.

Kasama ni Pangulong Duterte na nasabing okasyon sina Defense Secretary Delfin Lorenzana, Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Sulu 2nd district Representative Munir Arbison, AFP Chief of  General Gilbert Gapay, Western Mindanao Command commander Lt. Gen. Corleto Vinluan at iba pang matataas na opisyal ng provincial government. EVELYN QUIROZ

Comments are closed.