INIIMBITAHAN ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga residente ng lungsod ng Maynila na magpa rehistro para sa libreng bakuna laban sa coronavirus disease sa pamamagitan ng www.manilacovid19vaccine.com kasabay ng pahayag na inaasahan ng pamahalaang lungsod na mapasisimulan ang kanilang free anti-COVID vaccination sa mga susunod ng buwan
Ayon kay Moreno sa pamamagitan ng isang city ordinance na pinagtibay at inaprobahan ng Manila City Council sa pamumuno ni Vice Mayor and Presiding Officer Honey Lacuna at majority floorleader Joel Chua ay nabigyang daan ang paglalan ng P200 million para pambili ng nasabing bakuna.
Nabatid na hiwalay ito sa vaccine allotment na inilaan ng national government para sa City of Manila.
Kaugnay nito, lubos na pinasalamatan ni Moreno si Pangulong Rodrigo Duterte at National Action Plan vs COVID-19 chief implementer at “vaccine czar,” Sec. Carlito Galvez Jr., sa todong suporta na ipinagkakaloob sa Maynila para labanan ang COVID-19.
Ayon kay Moreno, nakatakdang lumagda ang pamahalaang lungsod sa isang “advanced marketing agreement contract” para maka pag reserba ng inisyal na 400,000 dosage ng vaccines para sa 200,000 residents.
Subalit, nilinaw nito na prayoridad ng pamahalaan ang mga medical frontliners kasunod ang mga senior citizens bago ang mga ordinary citizens of Manila.
Inihayag din ng alklade, nakalikha na ng maayos na plano kung paano ang gagawing proseso ng vaccination oras na available na ang bakuna habang mahigpit na sinusunod ang mandated health protocols.
Tiniyak din ni Moreno, habang inaantabayanan ang pagdating ng bakuna ay patuloy pa rin ang free swab and serology testing sa lungsod sa mga itinalagang lugar. VERLIN RUIZ
Comments are closed.