LIBRENG BAKUNA SA FRONTLINERS NG BENGUET – YAP

HINDI na kailangang hintayin pa ng mga frontliner ng Benguet ang libreng bakuna kontra COVID-19 ng pamahalaan dahil bibili ng P5 milyong halaga ng bakuna si Benguet Caretaker Cong. Eric Yap para sa kanila.

Ayon kay Cong. Yap, na kinatawan rin ng ACT-CIS, “nakikipag-ugnayan na po tayo sa vaccine czar at sa DOH (Department of Health) para makabili ng bakuna para sa mga frontliners namin sa Benguet.”

Nabatid na mayroong 400 mga doktor, nars, hospital staff at health workers ang buong lalawigan.

“Kailangan talagang unahin natin na protektahan ang mga frontliners dahil sila ang humaharap at lumalaban sa virus,” ani Yap.

Isasama rin ng mambabatas sa mga unang babakunahan ang iba pang frontliners, kabilang ang mga miyembro ng local media at kapulisan.

“Alam kong uunahin ng gobyerno ang mga frontliners, pulis at mga sundalo sa buong bansa na marami-rami din ang bilang kaya nagpasya na akong bumili ng sarili para sa mga taga-Benguet,” aniya pa. PMRT

Comments are closed.