PINAGKALOOBAN ng libreng pabahay ang may 36 na mga dating rebeldeng komunista sa ilalim ng Community Pabahay sa Barangay (CPB) Shelter Program na may temang “Balay Aron Pamilya Mahamugay” ng lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa Brgy. Marabatuan, Jose Abad Santos ng nasabing probinsya.
Sa ginanap na “ground breaking” ng CPB Shelter Program, masayang nagpakitang gilas ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagkanta at pagsayaw. Ito ay dinaluhan ng lokal na ahensIya ng probinsya, kapulisan at kasundaluhan ng 73IB kasabay ng pamamahagi ng food packs para sa mga dating rebelde.
Ayon kay Lt. Col. Ronaldo G Valdez INF (GSC), kanyang pinasasalamatan ang lokal na pamahalaan ng Davao Occidental sa walang sawang suporta at pagtugon ng pangangailangan ng mga mamamayan.
Laking tuwa at pasasalamat ng mga dating rebelde na sila’y binigyan pansin ng lokal na pamahalaan tungo sa matiwasay na pamumuhay at pagbabagong-buhay at pag-asa na makakamit ang kanilang inaasam na pagbabalik sa lipunan sa tulong ng serbisyong handog ng kasalukuyang administrasyon.VERLIN RUIZ
Comments are closed.