LIBRENG PABAHAY SA PAMILYANG BIKTIMA NG LANDSLIDE

Pabahay

MAKIKINABANG sa libreng pabahay ng Pa­ngulong Rodrigo Duterte ang daan-daang pamilyang nawalan ng bahay dahil sa landslide sa Barangay Tinaan, Naga City sa Cebu noong isang taon.

Ito ay makaraang magsagawa ng groundbreaking ceremony sa Naga Permanent Housing Project nitong Biyernes.

Kasabay nito, inatasan ng Pangulo ang National Housing Authority (NHA) na ibigay ng libre ang nasabing pabahay sa mga naapektuhan ng bagyong Sindong at ng Zamboanga siege.

Magugunitang 80 ang nasawi at 60 bahay naman ang natabunan sa pagguho ng lupa noong September 20, 2018 dahil sa walang tigil na pag-ulan sa lugar. DWIZ 882