LIBRENG sakay ang ipagkakaloob ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ngayon araw, Disyembre 30.
Ito ay bilang paggunita ng ika-122 death anniversary ng pambansang bayani na si Dr. Jose P. Rizal.
Sa kanilang Twitter account, inihayag ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang libreng sakay mula alas-7 hanggang alas-9 ng umaga at ala-5 hanggang alas-7 ng gabi sa araw ng Linggo.