LIBRE na ang toll sa NLEX at SCTEX para sa lahat ng medical frontliners sa kasagsagan ng Luzon-wide enhanced community quaran-tine.
Ayon sa NLEX Corporation, ito ay bilang pagpapahalaga sa dedikasyon at sakripisyo ng mga health worker para makapagbigay ng serbisyo sa paglaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Kailangan lamang ipakita ng mga health worker ang kanilang PRC ID at kumuha ng toll-free RFID sticker.
Kung mayroon nang RFID sticker, i-enroll ito sa free pass program.
Ang pagpapa-enroll ay maaaring isagawa sa NLEX Balintawak Customer Service Center mula Lunes hanggang Sabado, alas- 8:30 ng umaga hang-gang alas-4 ng hapon.
Ang libreng toll ay malaking tulong na rin sa mga itinuturing na bayani sa paglaban sa COVID-19.