LICENSING NG RECRUITMENT AGENCY BUKAS NA SA POEA

MULI nang tinanggap ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang responsibilidad sa pag-apruba at pag-renew ng mga lisensiya at pagbibigay ng awtoridad sa mga agency na tumanggap ng mga manggagawa para sa trabaho sa ibang bansa.

Inatasan ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang POEA, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 443 Series of 2018, na magkaroon ng full authority sa mga bagay na may kaugnayan sa overseas employment.

Dagdag pa ng anunsiyo, ang ‘authority to act on overseas employment-related matters’ ay ibinabalik sa administrator ng POEA at magsisilbi siyang awtorisadong kinatawan ng Labor Secretary.

Kabilang rito ang awtoridad upang mag-isyu at mag-renew ng lisensiya at magbigay ng pahintulot sa mga agency para sa recruitment at placement ng mga mang­gagawa para sa trabaho sa ibang bansa; grant exemptions para sa age requirement para sa mga overseas worker; at pag-isyu ng naaayong kautusan, desisyon at mga resolusyon.

Itinatakda rin ng administrative order na lahat ng mga aplikasyon para sa recruitment at placement license ay dapat na isumite at iproseso ng POEA alinsunod sa mga umiiral na batas at panuntunan. PAUL ROLDAN

Comments are closed.