LIDER NG KADAMAY DINAKIP MATAPOS DUMALO SA COURT HEARING

arestado

BULACAN – HINDI na nakapalag pa si Patricio Bacorayo Jr. alyas Pat Tupaz na leader ng grupong Kadamay sa bayan ng Pandi nang arestuhin ng awtoridad kahapon.

Sa report ni PMaj.Joy Placido, katatapos lamang dumalo sa hearing ni Tupaz sa Pandi Municipal Trail Court nang arestuhin ng mga pulis.

Armado ng  warrant of arrest ang awtoridad ng dakmain si Tupaz na may kasong grave threat.

Si Tupaz ay una nang  nagbanta sa mga dating miyembro na tumiwalag sa Kadamay na ipapatay umano nito kung hindi babalik sa kanilang kilusan na kilalang kaalyado ng CPP-NPA-NDF. THONY ARCENAL

Comments are closed.