LIDER NG NOTORYUS NA KAWATAN TIKLO

arestado

QUEZON CITY – IBINIDA ni BGen. Ronnie S. Montejo ang pagkakaaresto sa lider ng Asadon robbery holdup gang.

Kinilala ito na si Mark Asadon alyas Macky, 23.  walang permanenteng tirahan.

Si Asadon ay dinakip sa isang follow up operation na inilunsad ng Masambong police station (PS2).

Ayon sa report dumulog umano sa tanggapan ng Masambong police station sa pamumuno ni PLt. Col. Rodrigo Soriano ang isang biktima  upang i-report ang  nangyaring pagho-holdup  sa biktima.

Ayon kay Santos noong Nobyembre 28 ganap na 8:00 ng umaga sa kalye ng Edsa Corner Roosevelt Ave. nang siya ay tutukan ng baril ng dalawang lalaki at tangayin ng mga ito ang kanyang cellphone at mabilis na tumalilis matapos ang isinagawang krimen.

Habang iniimbestigahan ang pangyayari positibong kinilala ng biktima si Asadon nang ipakita ng pulisya ang larawan ng mga kriminal at may record ng krimen.

Dahil dito ikinasa ng masambong police ang follow up at manhunt operation laban sa grupo ni Asadon,

Nadakip si Asadon at ang kasama niya  na sina Jimuel De leon alyas Kokoy sa Cagayan St. Corner congressional avenue at nakuha mula sa mga ito  ang isang kalibre .38 na revolver, tatlong live ammunition at isang hand grenade, grupo ni Asadon ang siyang res­ponsable sa mga naganap na robbery holdup at snatching sa area ng Edsa Roosevelt, Muñoz at iba pang kalapit na barangay.

Sasampahan si Asadon at De leon ng robbery holdup, paglabag sa R.A 10591 (comprehensive law on firearms and ammunition) at RA 9516 (unlawful possession of explosive device).

Samantala, pinuri naman ni  PBGen. Montejo ang mga station commander at operatiba nito sa mabilisang aksiyon at iminungkahi sa mga naging biktima ng grupo ni Asadon na dumulog sa kapulisan upang masampahan ng kaukulang kaso ang mga salarin.

Inanyayahan din ni Montejo ang publiko na makipagtulungan ito sa kapulisan at agad i-report ang isang krimen upang agad din itong maaksiyunan ng kinauukulan. PAULA ANTOLIN