LIDER NG NPA NADALE SA ENCOUNTER

patay

BUKIDNON _– NASAWI ang commander ng Guerilla Front 68 ng New People’s Army (NPA) habang nakikipaglaban sa militar sa Halapitan, San Fernando.

Ayon kay 403rd Brigade, Philippine Army commanding officer Brigadier General Edgardo de Leon, nangyari ang engkuwentro matapos makasagupa ng tropa ng 88th Infantry Battalion, Philippine Army ang grupo ni “Kumander Bagwis” sa ginawang clearing operation ng militar.

Naiwan ng kaniyang kasamahan ang NPA leader kaya naman napuruhan ito ng mga balang pinakawalan ng militar.

Nakumpiska naman ng militar sa encounter site ang dalawang (2) automatic rifles na kinabibilangan ng isang (1) M16 at isang (1) AK-47.

Nilinaw ni De Leon na walang namatay o sugatan sa panig ng gobyerno sa nangyaring engkuwentro. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.