BUTUAN CITY – ARESTADO ang isa sa lider ng New People’s Army (NPA) matapos ang ikinasang operasyon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Emenville Subdivision, Brgy. Ambago.
Ayon kay Captain Al Anthony Pueblas, tagapagsalita ng 402nd Infantry Brigade ng 4th Infantry Division ng Philippine Army, alas-12:40 ng hatinggabi nang maaresto ang NPA leader.
Kinilala itong si Nerita Calamba De Castro, 55-anyos, kilala sa mga alyas na Neneng/Nening at Nora.
Si De Castro ay nagsisilbing bagong pinuno ng Finance of Komisyon Mindanao matapos maaresto si Leonida Guao noong Pebrero sa Barangay Bading.
Bukod sa pagiging pinuno ng Finance of Komisyon ng Mindanao, natukoy rin ng militar si De Castro na nagsilbi bilang secretary ng Regional White Area Committee ng North Eastern Mindanao Regional Committee.
May kinakaharap din itong kasong murder.
Umaasa naman ang militar na makikipagtulungan si De Castro para matukoy pa ang mga kilalang supporter ng NPA. R.SARMIENTO
Comments are closed.