Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
3 p.m. – TNT vs Converge
5:45 p.m. – NLEX vs Ginebra
SISIKAPIN ng Converge at NLEX na mapanatili ang liderato sa magkahiwalay na laro sa pagpapatuloy ng aksiyon sa PBA Governors’ Cup ngayong Miyerkoles sa Araneta Coliseum.
Ang FiberXers at Road Warriors ay nakaipit sa three-way tie sa ibabaw ng standings kasama ang San Miguel na may 4-0 kartada.
Sasagupain ng FiberXers ang kinatatakutang Talk ‘N Text sa alas-3 ng hapon habang haharapin ng Road Warriors ang defending champion Barangay Ginebra sa alas-5:45 ng hapon.
Hindi magiging madali para sa Converge at NLEX na kunin ang ika-5 sunod na panalo dahil kapwa mabigat ang kanilang mga katunggali.
Ipaparada ng NLEX ang kanilang bagong import na si Wayne Selden. Pinalitan ng dating NBA pro na si Selden si Jonathon Simmons, na sumalang sa kanyang huling laro para sa Road Warriors noong Sabado.
Si Selden ay isang 6-foot-5 winger na produkto ng University of Kansas.
Bagaman hindi na-draft sa 2016 NBA Draft, ang 28-year-old na tubong Boston, Massachusetts ay may stellar six-year run sa liga.
Si Selden ay naglaro ng kabuuang 127 games sa kanyang stops sa Memphis, New Orleans, Chicago, at New York, na may average na 7.2 points, 1.99 rebounds, at 1.49 assists per game.
Pangungunahan ni resident import Justine Brownlee ang opensiba ng Ginebra kasama ang mga batikang sina LA Tenorio, Scottie Thompson, Aljon Mariano, Nards John Pinto at ang twin tower nina Japeth Aguilar at Christian Standhardinger.
Target ng Ginebra ang ika-2 sunod na panalo makaraang pataubin ang Rain or Shine noong Sabado.
Aalalayan naman si Selden nina Kevin Alas, Anthony Semerad, Justin Chua, Paul Varilla, Calvin Oftana at Philip Paniamogan.
Samantala, makakatuwang ni Jamail Franklin sa kanyang pakikipaglaban kay Jalen Hudson at sa Tropang Giga sina Jeron Teng, Michael Digregorio, Alec Stockton, Allyn Bulanaddi at Taylor Brownlee.
CLYDE MARIANO