LIDERATO SA TIGERS

Builders Warehouse

Mga laro sa Huwebes:

(Ynares Sports

Arena, Pasig)

1 p.m. – TIP vs AMA Online Senior High

3 p.m. – Wangs-Letran vs Family Mart-Enderun

5 p.m. – Seaoil-FEU vs APEX Fuel ­Mindanao-SSCR

 

KUMARERA ang Builders Warehouse-UST sa ikalawang panalo sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup nang pataubin ang  Diliman College, 106-93, kahapon sa  Paco Arena sa Manila.

Nagbuhos si UAAP MVP Soulemane Chabi Yo ng 24 points, 9 rebounds, at 2  blocks para sa Growling Tigers na kinuha ang maagang liderato sa first conference.

“We told him that he had to exert effort because for the past games, di pa nakakalaro ng maayos si Chabi. We told him to play well, makakuha siya ng rhythm niya and he did,” wika ni coach Aldin Ayo patungkol sa kanyang Beninese forward.

Tumugon naman si Chabi Yo sa panawagan at pinangunahan ang 16-5 opener ng Builders Warehouse-UST sa pagbuslo ng 5-of-10 mula sa down-town sa first quarter at kinuha ang 37-18 kalamangan.

Magmula rito ay pinalobo pa ng Growling Tigers ang kanilang bentahe sa 30 points sa second half tungo sa magaan na panalo.

Nagposte si Dave Ando ng double-double 14 points at 11 boards, habang nagdagdag si Rhenz Abando ng 13 points sa 3-of-9 clip mula sa down-town.

Umiskor si Deo Cuajao ng 11 points, at nag-ambag si Zach Huang ng 10 points at 5 rebounds sa panalo.

Sumandal ang Diliman College kay Senegalese center Abdoulaye Niang, na naitala ang 16 sa kanyang 30 points sa bigong fourth quarter fightback. Kumalawit din siya ng 16 rebounds.

Kumamada si Zeus Pedrosa ng 18 points, 2 boards, at 2 assists, habang nakakolekta si Robbi Darang ng 13 points at 10 assists para sa Blue Dragons.

Iskor:

Builders Warehouse-UST (106) — Chabi Yo 24, Ando 14, Abando 13, Cuajao 11, Huang 10, Cansino 9, Nonoy 5, Manalang 5, Asuncion 5, Concepcion 4, Bataller 3, Santos 2, Manaytay 1, Paraiso 0.

Diliman College (93) — Niang 30, Pedrosa 18, Darang 13, Enriquez 12, Gob 7, Bauzon 4, De Mesa 4, Sombero 2, Lalica 2, Bajar 1, Ligon 0.

QS: 37-18, 58-42, 92-64, 106-93.­

Comments are closed.