TOKYO, Japan – Magiging ligtas ang Olympics sa susunod na taon sa kabila ng coronavirus pandemic, ayon kay Tokyo Governor Yuriko Koike kasabay ng pangakong “120% effort” para matiyak na matutuloy ang kauna-unahang na-postpone na Games.
Sinabi ni Koike – na inanunsiyo noong Biyernes na muli siyang kakandidato sa susunod na buwan na nakahanda ang lungsod sa pagdaraos ng event bilang simbolo ng ‘human triumph’ laban sa virus, subalit inamin na mababawasan ito.
“I will make a 120% effort,” ani Koike, 67, sa panayam ng AFP, subalit tumangging sabihin kung gaano siya kakumpiyansa na magbubukas ang sporting extravaganza tulad ng plano.
Tokyo 2020 became the first Olympics ever postponed in peacetime earlier this year as the coronavirus marched across the globe, upending lives and forcing the cancellation of sporting and cultural events.
Ang quadrennial meet ay ipinagpaliban sa July 23, 2021 – bagama’t tatawagin pa rin itong 2020 Games – subalit nagpahayag ng pangamba ang medical experts na ang delay ay hindi sapat upang makontrol ang virus at ligtas na maidaos ang event.
Nagbabala naman ang mga opisyal sa Japan at sa International Olympic Committee (IOC) na hindi na maaaring muling ipagpaliban ang Games.
Sinabi ni Koike na ginagawa niya ang lahat sa paglaban sa virus para matuloy ang Games na puno ng pag-asa.
At nangako siyang magiging ligtas ang Olympics para sa mga atleta af fan abroad, gayundin para sa mga residente ng Tokyo at Japan.
Comments are closed.