BULACAN – MULING aarangkada ang annual trade fair o ang Likha ng Central Luzon Trade Fair sa ika-20 taon.
Ayon kay Department of Trade and Industry-Provincial Director Rhine Aldana, sa darating na Oktubre 10-14, 2018 sa SM Megamall Megatradehalls, kung saan ipakikita ang finest products mula sa Bulacan, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Tarlac at Zambales.
Aniya, inaasahang nasa 120 sellers ng pitong probinsiya ang magpapakita ng world class furniture, Christmas decors, metal works, pieces of jewelry, fashion accessories, delicacies.
Kabilang din dito ang marine based products, processed meat, homemade nuts at marami pang iba.
Ang Likha ng Central Luzon trade fair ay may kanya-kanyang tema tulad ng Aurora – “Siempre Aurora”, Bulacan –“Tatak Bulakenyo”, Nueva Ecija – “Taas Noo Novo Ecijano”, “Vida”-Pampanga, Tarlac–“Natural-Tarlac”, Zambales-“Zambales Finest”.
Mas kinilala ito sa One Town One Product (OTOP) na lokal ng bawat lalawigan.
Tugon din aniya ito sa mataas na inflation rate sa bansa kung saan napapanahon ito lalo pa at nalalapit na ang Christmas season na dito’y makabibili ng murang produkto ang ating mga mamamayan. THONY ARCENAL