(Lilikha ng higit 100K trabaho sa New Clark City) P143-BILLION INVESTMENTS

NAKAAKIT ang New Clark City ng P143.22 billion na halaga ng investments magmula nang isapinal ang masterplan nito noong 2017, ayon kay Bases Conversion and Development Authority (BCDA) President at  Chief Executive Officer Joshua Bingcang.

Sa Build Better More Infrastructure Forum nitong Biyernes, sinabi ni  Bingcang na ang naturang investments ay may potensiyal na lumikha ng 103,000 trabaho.

“Some PHP15 billion were already infused,” aniya.

May P15.92 billion na ang na-invest sa bagong metropolis sa Central Luzon.

Nangangahulugan ito na P127.3 billion na halaga ng investment commitments ang inaasahang bubuhos sa mga susunod na taon.

Ang New Clark City ang flagship project ng BCDA na sumasaklaw sa mahigit 9,450 ektarya ng lupain, na pinag-iisipang maging unang ‘smart, green, and resilient metropolis’ ng bansa.