TINANONG si Mr. Bangis Magtanggol ng Bangis Gamefarm ng isa sa kanyang followers sa social media na kung tawagin niya ay “Ka-bangis” kung isang broodcock lang ba ang ginagamit niya kapag siya ay nagla-line breeding o kung gumagamit din ng relatives like uncle o tito nila.
“Ang short answer ko po ay YES on both. Kung isa lang broodcock mo, eh dun at dun ka lang magbalik ng pullets kagaya ng ginawa ko sa CaRaBlade line ko, kay Pogi ko sila binabalik up to 4th generation para ma-maintain ang line. Ang 4th generation ay 15/16 na ng original broodcock mo ‘pag ganyan,” ang sagot ni Bangis.
Aniya, kung may kapatid ang broodcock mo, mas mainam na doon ka mag-line breed para maiwasan ang inbreeding. Pero depende raw po ‘yan sa performance ng kamag-anak na yun na gagamitin mo. Kailangan ay piliin mo pa rin sila nang maigi bago mo palahian.
At kung isa lang naman ang broodcock mo, balik mo nang ibalik ang mga pullets sa kanya bawat henerasyon para mapanatili mo ang linyada pero ito po ay nagdudulot ng matinding inbreeding kaya kailangan ang matinding selection sa bawat pagbalik. Kailangan ay pinakamaganda ang hitsura (phenotype) at walang diperensiya ang ibabalik mong inahin sa broodcock mo.
“Kung may lumabas nang reject, katayin na agad ‘wag na palakihin. Sayang ang pakain at pagod. Marami ring sakitin kapag malalim na ang inbreeding kaya maraming breeders ang ayaw nito kasi magastos masyado sa manukan. Pero kung backyard ka, madali itong i-manage,” ani Bangis.
Paalala niya, ‘wag gawing tatyaw o barako ang isang manok na sakitin o ‘yung paulit-ulit lang ayaw na bumuti ang sitwayon niya kahit ginagamot mo pa.
“Kung sakitin ‘yan at ginawa mong breeder, malamang sakitin din ang mga anak niya. Base po “yan sa sarili kong experience sa isang line ng roundhead ko dati kaya ‘di ko naparami ito,” aniya.
Mas maiiwasan umano ang breeding depression or rejects sa palahi mo kung may mga kapatid or kamag-anak ang broodcock mo.
“Halimbawa, sa halip na sa tatay, ibalik mo mga pullets sa tito or lolo nito. Mas malapit na kamag-anak, mas maganda. Sa tito o lolo lang ako normally nagbabalik hindi sa pinsan o pamangkin o malayong kamag-anak. Kapag ganito ginawa mo, mas kaunti ang tsansa na may reject at mas malakas ang resistensiya ng mga anak nila sa sakit,” ani Bangis.
Huwag din umanong kalilimutan na kapag nag-breedout ka sa mga kamag-anak ng original broodcock mo, dapat ay pareho ng quality nito sa broodcock mo.
“Ano ang ibig kong sabihin? Importante ito lalo na kung may hitsura kang gusto at style of fighting ka na gustong i-maintain sa palahi mo. Kung pareho sila ng hitsura ng broodock mo pati ng style of fighting, mas mainam po ito,” paliwanag niya.
Comments are closed.