LIONS, BOMBERS NAGPALAKAS

Standings W L
Benilde 3 0
LPU 3 1
Arellano 3 2
San Beda 2 2
SSC-R 2 2
JRU 2 2
Letran 1 1
Perpetual 1 2
Mapua 1 2
EAC 0 4

Mga laro bukas:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Benilde vs Letran
3 p.m. – Perpetual vs Mapua

DINISPATSA ng Jose Rizal University at San Beda ang kani-kanilang katunggali upang maipuwersa ang three-way tie sa fourth place sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Isinalpak ni Ry Dela Rosa ang isang corner triple sa huling 4.8 segundo para sa Heavy Bombers na nahigitan ang kanilang one-win output noong nakaraang season sa 70-67 panalo kontra Arellano University.

Nasayang ng Red Lions ang 23-point first half lead subalit nalusutan ang ang San Sebastian upang itarak ang 78-71 panalo at maibalik ang kanilang winning ways.

Nakatabla ng San Beda ang kanilang biktima at ang JRU sa 2-2 upang manatili sa top four range.

Nagmintis sa kanyang unang apat na tira, naipasok ni Dela Rosa ang pinakamalaking basket sa laro na bumali sa likod ng Chiefs, na nahulog sa 3-2 sa third spot.

“Siguro, tiwala talaga,” sabi ni Bombers mentor Louie Gonzalez. “Sa buong laro, I think ‘yun ang unang shoot ni Ry, and the only three-points na na-convert niya. He is firing blanks.”

“Pero ganoon ako katiwala sa mga players ko. I know ‘yung three points na iyon, ititira niya at buong buo ang loob niya,” dagdag pa niya.

Nagtala sina Joshua Guiab (17 points at 10 rebounds) at JL Delos Santos (10 points at 11 boards) ng double-double outings, nagdagdag si William Sy ng 13 points at 6 rebounds habang kumubra si Marwin Dionisio ng 12 points at 6 boards para sa JRU.

Nanguna si Axel Doromal para sa Arellano na may 24 points, habang nag-ambag si Shane Menina ng 13 points, 9 rebounds at 5 assists.

Kumarera ang Red Lions sa 25-2 kalamangan nang humabol ang Stags sa likod nina Jessie Sumoda, Ken Villapando at rookie Rhinwill Yambing upang tapyasin ang deficit sa 57-59 papasok sa payoff period.

Gayunman ay hindi mabura ng San Sebastian ang two-point barrier, at sumandal ang San Beda kina JB Bahio at James Kwekuteye para pangalagaan ang kalamangan hanggang sa huli.

Bagaman nabitiwan ang malaking kalamangan, sinabi ni coach Yuri Escueta na tatanggapin ng Red Lions ang resulta bilang panalo at dapat itong magsilbing magandang leksiyon para sa mga susunod nilang laro.

“It’s good that we were able to experience ‘yung mga ganyang game kasi ‘yung first win namin sa EAC malaki lamang namin eh. So ngayon malaki lamang namin pero humabol, at the same time na-contain namin ‘yung lead namin,” sabi ni Escueta.

“Towards the end, ang pinakagusto ko is ‘yung we were able to make stops and rebounds kaya kami nanalo. Hats off to the guys.”

Iskor:
Unang laro:
San Beda (78) — Kwekuteye 20, Alfaro 11, Bahio 10, Ynot 10, Cortez 6, Tagala 6, Cometa 4, Jopia 4, Andrada 4, Cuntapay 3, Visser 0.
SSC-R (71) — Sumoda 19, Villapando 13, Yambing 13, Desoyo 4, Felebrico 4, Escobido 4, Calahat 3, Shanoda 3, Altamirano 3, Are 3, Una 1, Suico 1, Cosari 0, Concha 0.
QS: 30-11, 46-36, 59-57, 78-71

Ikalawang laro:
JRU (70) — Guiab 17, Sy 13, Dionisio 12, Delos Santos 10, Miranda 7, Dela Rosa 4, Celis 3, Amores 2, Arenal 2, Medina 0, Villarin 0, Joson 0, De Jesus 0.
Arellano (67) — Doromal 24, Menina 13, Flores 8, Mallari 7, Tolentino 7, Oliva 6, Abastillas 2, Punzalan 0, Oftana 0, Domingo 0.
QS: 23-21, 35-36, 45-56, 70-67.