Standings W L
Benilde 8 2
Letran 9 3
LPU 8 3
JRU 5 2
San Beda 7 4
Perpetual 5 7
Arellano 4 6
SSC-R 3 6
Mapua 4 9
EAC 1 12
Mga laro ngayon:
(Filoil EcoOil Centre)
12 noon – Arellano vs LPU
3 p.m. – Benilde vs JRU
NAGPAKAWALA si Tony Ynot ng career-high 25 points na sinamahan ng 10 rebounds at nanatiling walang dungis ang San Beda kontra Emilio Aguinaldo College, 72-64, sa NCAA men’s basketball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.
Ang Red Lions ay 25-0 all-time ngayon laban sa Generals magmula nang lumahok ang hosts sa liga noong 2009.
Nauna rito ay pinataob ng Mapua ang University of Perpetual Help System Dalta, 73-67, para sa kanilang ika-4 na panalo sa limang laro.
Ang panalo — ang ika-7 sa 11 laro — ay nagpanatili sa Red Lions sa Final Four contention. Ang fourth-running Jose Rizal University, may 5-2 record, ay may mas mataas na winning percentage (.714) kaysa San Beda (.636).
Nalusutan ng Cardinals ang late fightback ng Altas upang iposte ang kanilang ikalawang sunod na panalo at umangat sa 4-9 overall.
Unti-unting bumabalik ang porma na naghatid sa Mapua sa runner-up finish sa naunang season, kuntento si coach Randy Alcantara sa kanyang nakikita sa last-gasp push ng kanyang tropa upang makabalik sa Final Four.
“Kailangan naming i-share ang bola. Bumalik na ang ball movement at bumalik ang tiwala sa mga teammates nila,” sabi ni Alcantara, kung saan nagbigay ang Cardinals ng 20 assists.
Nahulog ang Perpetual sa 5-7 kartada sa kabila ng career-high 22 points ni Carlo Ferreras, kabilang ang apat na triples.
Kuntento si coach Yuri Escueta sa paraan ng pagtugon ng Red Lions sa 72-75 overtime loss sa Altas.
“It was really energy and effort,” ani Escueta.
Nagdagdag si James Kwekuteye ng 13 points, 9 rebounds at napantayan ang tatlong steals ni Ynot para sa San Beda.
Nalasap ng EAC ang ika-12 kabiguan sa 13 games.
Iskor:
Unang laro:
Mapua (73) — Bonifacio 14, Pido 13, Hernandez 11, Agustin 10, Nocum 9, Cuenco 8, Mercado 6, Soriano 2, Salenga 0, Garcia 0.
Perpetual (67) — Ferreras 22, Pagaran 10, Abis 5, Egan 5, Roque 5, Boral 5, Barcuma 4, Flores 3, Razon 2, Omega 2, Nitura 2, Martel 0, Orgo 0.
QS: 18-23, 34-37, 60-54, 73-65
Ikalawang laro:
San Beda (72) — Ynot 25, Kwekuteye 13, Andrada 9, Bahio 7, Alfaro 5, Visser 4, Jopia 3, Cortez 2, Cometa 2, Cuntapay 2, Sanchez 0, Payosing 0.
EAC (64) — Maguliano 11, Liwag 10, Balowa 9, Cosa 9, Cosejo 7, Ad. Doria 5, Luciano 4, Angeles 4, Dominguez 3, Cabuhat 2, Tolentino 0, Umpad 0, Bacud 0.
QS: 21-17, 41-38, 54-51, 72-64.