Standings W L
NU-Sta. Elena 4 0
PGJC-Navy 3 1
Cignal 3 1
VNS 2 2
Ateneo 1 3
Santa Rosa 1 3
Army 0 4
Mga laro ngayon:
(Paco Arena)
2:30 p.m. – Army vs Santa Rosa
5:30 p.m. – Cignal vs Ateneo
MAGHAHARAP ang Santa Rosa at Army-Katinko sa krusyal na salpukan sa Spikers’ Turf Open Conference ngayon sa Paco Arena.
Magsasagupa ang Lions at ang Troopers sa alas-2:30 ng hapon, kung saan ang mananalo ay mananatili sa Final Four range.
May 1-3 record, ang Santa Rosa ay kasalukuyang tabla sa Ateneo-Fudgee Barr, na makakaharap ang dating walang talong Cignal sa alas-5:30 ng hapon, sa ika-5 puwesto.
Naghahangad pa rin ang kulelat na Army ng kanilang unang panalo matapos ang apat na sunod na talo, kung saan kailangan nitong ma-sweep ang kanilang nalalabing mga laro at umasa na hindi makakatatlong panalo ang VNS-One Alicia, na nasa ika-4 na puwesto sa 2-2, para maipuwersa ang playoff para sa No. 4 slot.
Naghahabol ang Lions at Blue Eagles sa Griffins ng isang laro sa karera para sa huling semifinals berth. Ang pagkatalo ng Santa Rosa at Ateneo ay maglalagay sa kanila sa bingit ng pagkakasibak.
Pasok na ang NU-Sta. Elena, ang tanging undefeated team na may 4-0 kartada, sa semifinals.