NEGROS OCCIDENTAL – PINATAY ng 47-anyos na lalaki ang kanyang kinakasama sa loob ng kanilang bahay saka nagbigti sa Bacolod City.
Ito ang nakitang senaryo ng Bacolod City Police Office makaraang tumambad sa kanila ang nakabiting bangkay ng isang lalaki sa Barangay Handumanan, ng nasabing siyudad.
Lumilitaw na itinali ng suspek/biktima na kinilalang si Gerald Lozada ang kanyang leeg gamit ang nylon cord at saka isinabit sa kisame ng kanyang bahay sa Purok Paghidaet, Phase A, Barangay Handumanan, Bacolod City.
Natagpuan din ang bangkay ng kinakasama nitong si Honelyn Teniedo makarang madiskubre ang iniwang suicide note ng lalaki kung saan sinabi nito na pinatay niya ang kanyang live-in partner na nakatira sa Purok San Roque, Barangay Tangub, nitong lungsod.
Kaagad na pinuntahan ng pulisya ang lugar at natagpuan ang kinakasama ni Lozada Barangay 1, Isabela, Negros Occidental, na may mga tama ng saksak sa leeg.
Wala ring sign of struggle o senyales na nanlaban ang biktima sa suspek.
Batay sa suicide note ng lalaki, pinatay nito ang kanyang live-in partner noong Lunes.
Kasalukuyang inaalam pa rin ng mga pulis ang motibo sa itinuturing nilang isang crime of passion. VERLIN RUIZ
Comments are closed.