QUEZON CITY – MULING naaresto at balik-kulungan ang magkarelasyon na umano’y drug pusher matapos maaresto sa buy bust operation ng pulisya sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga ito na sina Dino Samson, 37-anyos, at Marilyn Gomez, 28-anyos, mga residente ng Barangay Tatalon.
Naaktuhan naman ng awtoridad sa loob ng bahay ng dalawa ang isang active member ng Philippine Army na si alyas Rector.
Naganap ang pagsalakay alas-6:10 ng umaga.
Nakuha mula sa mga suspek ang apat na maliliit na plastic sachet ng hinihinalang shabu, P200 na buy bust money, P200 na pera at isang pouch.
Umamin naman ang mag-live in partner na sila ay nagtutulak at gumagamit ng ipinagbabawal na droga habang nag-positibo naman sa droga ang nahuling sundalo.
Nakakulong na ang mga suspek sa Quezon City Police Station 11 at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.