NUEVA VIZCAYA – ISANG binatang janitor ang nasawi nang makoryente sa Poblacion South, Solano.
Kinilala ang biktima na si Jordan Chris Dumagat, 19-anyos, at residente ng Quezon sa naturang probinsya.
Sinabi ni PMaj Rubilita Aglipay, ang OIC Chief of Police ng Solano Police Station, na umakyat sa bubong ng pinagtatrabahuan na establisimiyento si Dumagat kasama ang maintenance crew para maglinis.
Ngunit dahil sa malakas ang hangin noong mga panahon na iyon, aksidenteng nahawakan ni Dumagat ang live wire.
May pulso pa ang biktima nang datnan ng Bureau of Fire Protection (BFP) Solano.
Kalunos-lunos ang kanyang sinapit kung saan ang ilang bahagi ng kanyang katawan ay tuluyang nangitim matapos makoryente.
Dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din siya ng buhay. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM
Comments are closed.