Liza Soberano bonggadera sa 2024 SAG Awards

NAPALINGON  ang lahat nang rumampa ang kagandahan ng Filipino-American actress na si Liza Soberano sa 2024 Screen Actors Guild (SAG) Awards.

Simple pero elegante ang dating ni Liza sa gown na nilikha ng fashion designer na si by Maeve Reilly. Si Pamella Roland ang nag-post nito sa Instagram sa kanyang Pre-Fall Collection 2024 creation.

Soot ni Liza ang isang black embroidered bodice na may voluminous blush skirt.

Bongga rin ang performance ni Liza bilang Taffy sa “Lisa Frankenstein” na napansin ng mga fans at movie critics. Suportado siya ni Enrique Gil at sobrang appreciated din siya ng American filmmaker na si Joe Russo. NLVN